Genesis 26

Gagawin ko ito dahil sumunod si Abraham sa akin, at tinupad niya ang lahat ng ibinilin ko, kasama ang aking mga kautusan, mga tuntunin, at mga batas.”

Genesis 26:5 (UKJV) Because that Abraham obeyed my voice, and kept my charge, my commandments, my statutes, and my laws.

3Dito ka muna manirahan dahil sasamahan kita at pagpapalain. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lahat ng lupaing ito. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa iyong amang si Abraham.

4Pararamihin ko ang mga lahi mo na kasindami ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa kanila ang lahat ng lupaing ito. At sa pamamagitan nila, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.

5Gagawin ko ito dahil sumunod si Abraham sa akin, at tinupad niya ang lahat ng ibinilin ko, kasama ang aking mga kautusan, mga tuntunin, at mga batas.”

6Kaya roon nanirahan si Isaac sa Gerar.

7Kapag may nagtatanong kay Isaac na taga-Gerar tungkol sa kanyang asawa, sinasabi niyang kapatid niya si Rebeca. Maganda si Rebeca, kaya natatakot siyang sabihing asawa niya ito dahil baka siyaʼy patayin nila para makuha si Rebeca.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.