14Kaya kumuha si Jacob ng dalawang kambing at dinala niya sa kanyang ina, at niluto ni Rebeca ang paboritong pagkain ni Isaac.
15Pagkatapos, kinuha niya ang pinakamagandang damit ni Esau na nasa bahay nila at ipinasuot kay Jacob.
16Nilagyan niya ng balat ng kambing ang braso ni Jacob pati ang leeg nito na hindi balbon.
17Pagkatapos, ibinigay niya kay Jacob ang pagkain at ang tinapay na niluto niya.
18Dinala iyon ni Jacob sa kanyang ama at sinabi, “Ama!” Sinabi ni Isaac, “Sino ka ba anak ko?”