15Pagkatapos, kinuha niya ang pinakamagandang damit ni Esau na nasa bahay nila at ipinasuot kay Jacob.
16Nilagyan niya ng balat ng kambing ang braso ni Jacob pati ang leeg nito na hindi balbon.
17Pagkatapos, ibinigay niya kay Jacob ang pagkain at ang tinapay na niluto niya.
18Dinala iyon ni Jacob sa kanyang ama at sinabi, “Ama!” Sinabi ni Isaac, “Sino ka ba anak ko?”
19Sumagot si Jacob, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak. Nagawa ko na po ang iniutos ninyo sa akin. Bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko upang mabasbasan nʼyo po ako.”