Genesis 27

Sumagot si Jacob, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak. Nagawa ko na po ang iniutos ninyo sa akin. Bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko upang mabasbasan nʼyo po ako.”

Genesis 27:19 (UKJV) And Jacob said unto his father, I am Esau your first born; I have done according as you bade me: arise, I pray you, sit and eat of my venison, that your soul may bless me.

17Pagkatapos, ibinigay niya kay Jacob ang pagkain at ang tinapay na niluto niya.

18Dinala iyon ni Jacob sa kanyang ama at sinabi, “Ama!” Sinabi ni Isaac, “Sino ka ba anak ko?”

19Sumagot si Jacob, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak. Nagawa ko na po ang iniutos ninyo sa akin. Bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko upang mabasbasan nʼyo po ako.”

20Sinabi ni Isaac, “Anak, paano mo ito nahuli agad?” Sumagot si Jacob, “Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Diyos.”

21Sinabi ni Isaac, “Lumapit ka sa akin anak ko upang mahawakan kita kung ikaw nga talaga si Esau.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.