19Sumagot si Jacob, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak. Nagawa ko na po ang iniutos ninyo sa akin. Bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko upang mabasbasan nʼyo po ako.”
20Sinabi ni Isaac, “Anak, paano mo ito nahuli agad?” Sumagot si Jacob, “Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Diyos.”
21Sinabi ni Isaac, “Lumapit ka sa akin anak ko upang mahawakan kita kung ikaw nga talaga si Esau.”
22Kaya lumapit si Jacob, at hinawakan siya ng kanyang ama at sinabi, “Ang boses mo ay parang kay Jacob ngunit ang braso mo ay parang kay Esau.”
23Hindi nakilala ni Isaac si Jacob, dahil ang braso niya ay balbon din katulad ng kay Esau. Bago niya basbasan si Jacob,