Genesis 27

Sinabi ni Isaac, “Anak, paano mo ito nahuli agad?” Sumagot si Jacob, “Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Diyos.”

Genesis 27:20 (UKJV) And Isaac said unto his son, How is it that you have found it so quickly, my son? And he said, Because the LORD your God brought it to me.

18Dinala iyon ni Jacob sa kanyang ama at sinabi, “Ama!” Sinabi ni Isaac, “Sino ka ba anak ko?”

19Sumagot si Jacob, “Ako po si Esau, ang panganay nʼyong anak. Nagawa ko na po ang iniutos ninyo sa akin. Bumangon po kayo at kumain ng pinangaso ko upang mabasbasan nʼyo po ako.”

20Sinabi ni Isaac, “Anak, paano mo ito nahuli agad?” Sumagot si Jacob, “Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Diyos.”

21Sinabi ni Isaac, “Lumapit ka sa akin anak ko upang mahawakan kita kung ikaw nga talaga si Esau.”

22Kaya lumapit si Jacob, at hinawakan siya ng kanyang ama at sinabi, “Ang boses mo ay parang kay Jacob ngunit ang braso mo ay parang kay Esau.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.