Genesis 27

Kaya lumapit si Jacob, at hinawakan siya ng kanyang ama at sinabi, “Ang boses mo ay parang kay Jacob ngunit ang braso mo ay parang kay Esau.”

Genesis 27:22 (UKJV) And Jacob went near unto Isaac his father; and he felt him, and said, The voice is Jacob's voice, but the hands are the hands of Esau.

20Sinabi ni Isaac, “Anak, paano mo ito nahuli agad?” Sumagot si Jacob, “Tinulungan po ako ng Panginoon na inyong Diyos.”

21Sinabi ni Isaac, “Lumapit ka sa akin anak ko upang mahawakan kita kung ikaw nga talaga si Esau.”

22Kaya lumapit si Jacob, at hinawakan siya ng kanyang ama at sinabi, “Ang boses mo ay parang kay Jacob ngunit ang braso mo ay parang kay Esau.”

23Hindi nakilala ni Isaac si Jacob, dahil ang braso niya ay balbon din katulad ng kay Esau. Bago niya basbasan si Jacob,

24nagtanong pa siya, “Ikaw ba talaga si Esau?” Sumagot si Jacob, “Opo, ako nga po.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.