7mangaso at agad siyang ipagluto ng paborito niyang pagkain. Sapagkat bago raw siya mamatay babasbasan niya si Esau sa harapan ng Panginoon.
8Kaya anak, sundin mo ang iuutos ko sa iyo:
9Pumunta ka sa mga hayop natin at kumuha ka ng dalawang matabang batang kambing, at ipagluluto ko ang iyong ama ng paborito niyang pagkain.
10Pagkatapos, dalhin mo ito sa kanya upang basbasan ka niya bago siya mamatay.”
11Ngunit sinabi ni Jacob sa kanyang ina, “Alam naman po ninyo na balbon si Esau at ako namaʼy hindi.