1Kaya ipinatawag ni Isaac si Jacob. Pagdating niya, binasbasan niya ito at inutusan, “Huwag kang mag-aasawa ng taga-Canaan.
2Maghanda ka at pumunta sa Padan-aram, doon sa lolo mong si Betuel na ama ng iyong ina. Doon ka pumili ng iyong mapapangasawa sa isa sa mga dalagang anak ni Laban na kapatid ng iyong ina.
3Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos na Makapangyarihan at bigyan ka ng maraming anak upang maging ama ka ng maraming grupo ng tao.
4Nawaʼy ibigay din sa iyo at sa mga lahi mo ang pagpapalang ibinigay niya kay Abraham, upang maging iyo ang lupaing ito na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ang lupaing ito ay ibinigay ng Diyos kay Abraham.”