2Maghanda ka at pumunta sa Padan-aram, doon sa lolo mong si Betuel na ama ng iyong ina. Doon ka pumili ng iyong mapapangasawa sa isa sa mga dalagang anak ni Laban na kapatid ng iyong ina.
3Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos na Makapangyarihan at bigyan ka ng maraming anak upang maging ama ka ng maraming grupo ng tao.
4Nawaʼy ibigay din sa iyo at sa mga lahi mo ang pagpapalang ibinigay niya kay Abraham, upang maging iyo ang lupaing ito na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ang lupaing ito ay ibinigay ng Diyos kay Abraham.”
5Agad na pinapunta ni Isaac si Jacob sa Padan-aram, sa lugar ni Laban na anak ni Betuel na Arameo. Si Laban ay kapatid ni Rebeca na ina nina Jacob at Esau.
6Nalaman ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Padan-aram upang doon maghanap ng mapapangasawa. Nalaman din niya na binasbasan ni Isaac si Jacob, inutusan niya ito na huwag mag-asawa ng taga-Canaan.