7At nalaman din niyang sumunod si Jacob sa magulang nila at pumunta sa Padan-aram.
8Dito napagtanto ni Esau na ayaw ng kanyang ama ang mga babaeng taga-Canaan.
9Kaya pumunta siya sa tiyuhin niyang si Ismael na anak ni Abraham at napangasawa si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ismael, bukod pa sa dalawang naging asawa niya.
10Umalis si Jacob sa Beer-seba at lumakad papuntang Haran.
11Nang lumubog na ang araw, nakarating siya sa isang lugar at doon nanatili nang gabing iyon. Kumuha siya ng isang bato at ginawa niyang unan sa pagtulog niya.