10Pagkakita ni Jacob kay Raquel na anak ng tiyuhin niyang si Laban, na kasama ang mga tupa, pumunta siya sa balon at pinagulong ang bato at pinainom ang mga tupa ng tiyuhin niyang si Laban.
11Pagkatapos, hinagkan niya si Raquel at napaiyak siya sa tuwa.
12Sinabi niya kay Raquel na siyaʼy kamag-anak ng kanyang amang si Laban at anak ni Rebeca. Patakbong umuwi si Raquel at sinabi ito sa kanyang ama.
13Nang marinig ni Laban na nariyan si Jacob na pamangkin niya kay Rebeca, agad niya itong sinalubong. Hinagkan niya si Jacob at dinala sa bahay niya. At doon sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng nangyari.
14Sinabi ni Laban sa kanya, “Tunay ngang magkadugo tayo.” Pagkalipas ng isang buwang pananatili ni Jacob kina Laban,