Genesis 29

Nang marinig ni Laban na nariyan si Jacob na pamangkin niya kay Rebeca, agad niya itong sinalubong. Hinagkan niya si Jacob at dinala sa bahay niya. At doon sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng nangyari.

Genesis 29:13 (UKJV) And it came to pass, when Laban heard the tidings of Jacob his sister's son, that he ran to meet him, and embraced him, and kissed him, and brought him to his house. And he told Laban all these things.

11Pagkatapos, hinagkan niya si Raquel at napaiyak siya sa tuwa.

12Sinabi niya kay Raquel na siyaʼy kamag-anak ng kanyang amang si Laban at anak ni Rebeca. Patakbong umuwi si Raquel at sinabi ito sa kanyang ama.

13Nang marinig ni Laban na nariyan si Jacob na pamangkin niya kay Rebeca, agad niya itong sinalubong. Hinagkan niya si Jacob at dinala sa bahay niya. At doon sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng nangyari.

14Sinabi ni Laban sa kanya, “Tunay ngang magkadugo tayo.” Pagkalipas ng isang buwang pananatili ni Jacob kina Laban,

15sinabi ni Laban sa kanya, “Hindi mabuti na magtrabaho ka para sa akin na walang bayad dahil pamangkin kita. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong ibayad ko sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.