Genesis 29

Muling nagtanong si Jacob, “Kilala ba ninyo si Laban na apo ni Nahor?” Sumagot sila, “Oo, kilala namin.”

Genesis 29:5 (UKJV) And he said unto them, Know all of you Laban the son of Nahor? And they said, We know him.

3Iniipon muna ng mga pastol ang lahat ng kawan ng tupa bago nila pagulungin ang batong nakatakip sa balon. Pagkatapos nilang painumin ang mga tupa, muli nilang tinatakpan ang balon.

4Ngayon, nagtanong si Jacob sa mga pastol ng tupa, “Mga kaibigan, taga-saan kayo?” Sumagot sila, “Taga-Haran.”

5Muling nagtanong si Jacob, “Kilala ba ninyo si Laban na apo ni Nahor?” Sumagot sila, “Oo, kilala namin.”

6Nagpatuloy sa pagtatanong si Jacob, “Kumusta na ba siya?” Sumagot sila, “Mabuti naman. Tingnan mo, paparating ang anak niyang si Raquel dito kasama ang kanilang mga tupa.”

7Sinabi ni Jacob sa kanila, “Napakaaga pa at hindi pa oras upang ipunin ang mga kawan ng tupa, mabuti sigurong painumin ninyo sila at muling ipastol.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.