Genesis 3

Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”

Genesis 3:19 (UKJV) In the sweat of your face shall you eat bread, till you return unto the ground; for out of it were you taken: for dust you are, and unto dust shall you return.

17Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo: Susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto upang makakain.

18Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid.

19Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”

20Ang pangalan ng lalaki ay Adan, at pinangalanan niya ang asawa niya na Eva dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao.

21Pagkatapos, gumawa ang Panginoong Diyos ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.