18Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid.
19Kinakailangang magpakahirap ka nang husto upang makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”
20Ang pangalan ng lalaki ay Adan, at pinangalanan niya ang asawa niya na Eva dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao.
21Pagkatapos, gumawa ang Panginoong Diyos ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito.
22Sinabi ng Panginoong Diyos, “Ang tao ay naging katulad na natin na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangang hindi siya pahintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng buhay, dahil kung kakain siya, mananatili siyang buháy magpakailanman.”