Genesis 3

Sumagot ang babae, “Makakain namin ang kahit anong bunga ng puno rito sa halamanan,

Genesis 3:2 (UKJV) And the woman said unto the serpent, We may eat of the fruit of the trees of the garden:

1Sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Diyos, ang ahas ang pinakatuso. Minsan, tinanong ng ahas ang babae, “Totoo bang pinagbabawalan kayo ng Diyos na kumain ng bunga ng alinmang puno sa halamanan?”

2Sumagot ang babae, “Makakain namin ang kahit anong bunga ng puno rito sa halamanan,

3maliban lang sa bunga ng puno na nasa gitna ng halamanan. Sapagkat sinabi ng Diyos na hindi kami dapat kumain o humipo man lang ng bunga ng punong iyon. Kapag ginawa namin iyon, mamamatay kami.”

4Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoong mamamatay kayo!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.