Genesis 3

Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoong mamamatay kayo!

Genesis 3:4 (UKJV) And the serpent said unto the woman, All of you shall not surely die:

2Sumagot ang babae, “Makakain namin ang kahit anong bunga ng puno rito sa halamanan,

3maliban lang sa bunga ng puno na nasa gitna ng halamanan. Sapagkat sinabi ng Diyos na hindi kami dapat kumain o humipo man lang ng bunga ng punong iyon. Kapag ginawa namin iyon, mamamatay kami.”

4Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoong mamamatay kayo!

5Sinabi iyan ng Diyos dahil alam niya na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ang mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama.”

6Nang pagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan at ang bunga nito ay nakakatakam. At dahil sa pagnanais niyang maging marunong, pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain din ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.