15Ngunit sumagot si Lea, “Hindi ka pa ba kontento na kinuha mo ang asawa ko? Ngayon, kukunin mo pa ang mandragora ng anak ko?” Sinabi ni Raquel, “Kung bibigyan mo ako ng mandragora pasisipingin ko si Jacob sa iyo ngayong gabi.”
16Takipsilim na nang dumating si Jacob mula sa bukid. Sinalubong siya ni Lea at sinabi, “Sa akin ka sisiping ngayong gabi, dahil binayaran ko na ang upa mo kay Raquel gamit ang mandragora ng anak ko.” Kaya sumiping si Jacob kay Lea nang gabing iyon.
17Sinagot ng Diyos ang panalangin ni Lea at siyaʼy nabuntis. Nanganak siya ng lalaki na ikalimang anak nila ni Jacob.
18Sinabi ni Lea, “Ginantimpalaan ako ng Diyos dahil ibinigay ko ang alipin ko sa aking asawa.” Kaya pinangalanan niya ang kanyang anak na Isacar.
19Muling nabuntis si Lea at nanganak ng lalaki na ikaanim nilang anak ni Jacob.