Genesis 30

Ngunit sumagot si Lea, “Hindi ka pa ba kontento na kinuha mo ang asawa ko? Ngayon, kukunin mo pa ang mandragora ng anak ko?” Sinabi ni Raquel, “Kung bibigyan mo ako ng mandragora pasisipingin ko si Jacob sa iyo ngayong gabi.”

Genesis 30:15 (UKJV) And she said unto her, Is it a small matter that you have taken my husband? and would you take away my son's mandrakes also? And Rachel said, Therefore he shall lie with you to night for your son's mandrakes.

13Sinabi ni Lea, “Lubha akong nasisiyahan! Ngayon tatawagin ako ng mga babae na masiyahin.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Asher.

14Anihan ng trigo noon, pumunta si Ruben sa bukid at may nakita siyang tanim na mandragora. Kumuha siya ng bunga nito at dinala sa ina niyang si Lea. Pagkakita noon ni Raquel ay sinabi niya kay Lea, “Bigyan mo rin ako ng mandragora na dinala ng anak mo.”

15Ngunit sumagot si Lea, “Hindi ka pa ba kontento na kinuha mo ang asawa ko? Ngayon, kukunin mo pa ang mandragora ng anak ko?” Sinabi ni Raquel, “Kung bibigyan mo ako ng mandragora pasisipingin ko si Jacob sa iyo ngayong gabi.”

16Takipsilim na nang dumating si Jacob mula sa bukid. Sinalubong siya ni Lea at sinabi, “Sa akin ka sisiping ngayong gabi, dahil binayaran ko na ang upa mo kay Raquel gamit ang mandragora ng anak ko.” Kaya sumiping si Jacob kay Lea nang gabing iyon.

17Sinagot ng Diyos ang panalangin ni Lea at siyaʼy nabuntis. Nanganak siya ng lalaki na ikalimang anak nila ni Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.