16Takipsilim na nang dumating si Jacob mula sa bukid. Sinalubong siya ni Lea at sinabi, “Sa akin ka sisiping ngayong gabi, dahil binayaran ko na ang upa mo kay Raquel gamit ang mandragora ng anak ko.” Kaya sumiping si Jacob kay Lea nang gabing iyon.
17Sinagot ng Diyos ang panalangin ni Lea at siyaʼy nabuntis. Nanganak siya ng lalaki na ikalimang anak nila ni Jacob.
18Sinabi ni Lea, “Ginantimpalaan ako ng Diyos dahil ibinigay ko ang alipin ko sa aking asawa.” Kaya pinangalanan niya ang kanyang anak na Isacar.
19Muling nabuntis si Lea at nanganak ng lalaki na ikaanim nilang anak ni Jacob.
20Sinabi niya, “Binigyan ako ng Diyos ng mabuting regalo. Pararangalan na ako nito ngayon ng asawa ko dahil nabigyan ko na siya ng anim na anak na puro lalaki.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Zebulun.