Genesis 31

Sinabi ni Raquel sa kanya, “Ama, huwag po kayong magalit kung hindi po ako makatayo dahil mayroon akong buwanang dalaw.” At patuloy na naghanap si Laban ngunit hindi niya nakita ang mga diyos-diyosan niya.

Genesis 31:35 (UKJV) And she said to her father, Let it not displease my lord that I cannot rise up before you; for the custom of women is upon me. And he searched but found not the images.

33Kaya hinanap ni Laban ang mga diyos-diyosan niya sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea, at pati sa tolda ng dalawang aliping babae na mga asawa ni Jacob. Ngunit hindi niya nakita ang mga ito. Paglabas niya sa tolda ni Lea, pumasok siya sa tolda ni Raquel.

34Ngunit naitago na ni Raquel ang mga diyos-diyosan sa lalagyan na ginagamit na upuan sa pagsakay sa kamelyo, at inupuan niya. Hinanap ni Laban ang mga diyos-diyosan sa tolda ni Raquel ngunit hindi niya ito makita.

35Sinabi ni Raquel sa kanya, “Ama, huwag po kayong magalit kung hindi po ako makatayo dahil mayroon akong buwanang dalaw.” At patuloy na naghanap si Laban ngunit hindi niya nakita ang mga diyos-diyosan niya.

36Hindi na mapigilan ni Jacob ang kanyang galit, kaya sinabi niya kay Laban, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko at hinabol mo pa ako na parang isang kriminal?

37Ngayong nahalungkat mo na ang lahat ng aking ari-arian, may nakita ka bang sa iyo? Kung mayroon, ilagay mo rito sa harap upang makita ng aking mga kamag-anak at ng iyong mga kamag-anak, at bahala na silang humatol sa atin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.