Genesis 31

Hindi na mapigilan ni Jacob ang kanyang galit, kaya sinabi niya kay Laban, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko at hinabol mo pa ako na parang isang kriminal?

Genesis 31:36 (UKJV) And Jacob was angry, and find fault with Laban: and Jacob answered and said to Laban, What is my trespass? what is my sin, that you have so hotly pursued after me?

34Ngunit naitago na ni Raquel ang mga diyos-diyosan sa lalagyan na ginagamit na upuan sa pagsakay sa kamelyo, at inupuan niya. Hinanap ni Laban ang mga diyos-diyosan sa tolda ni Raquel ngunit hindi niya ito makita.

35Sinabi ni Raquel sa kanya, “Ama, huwag po kayong magalit kung hindi po ako makatayo dahil mayroon akong buwanang dalaw.” At patuloy na naghanap si Laban ngunit hindi niya nakita ang mga diyos-diyosan niya.

36Hindi na mapigilan ni Jacob ang kanyang galit, kaya sinabi niya kay Laban, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko at hinabol mo pa ako na parang isang kriminal?

37Ngayong nahalungkat mo na ang lahat ng aking ari-arian, may nakita ka bang sa iyo? Kung mayroon, ilagay mo rito sa harap upang makita ng aking mga kamag-anak at ng iyong mga kamag-anak, at bahala na silang humatol sa atin.

38“Sa loob ng dalawampung taon na akoʼy nakasama ninyo, ni minsan hindi nakunan ang inyong mga kambing at tupa. At ni isang lalaking tupa ay hindi ko pinangahasang kainin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.