Genesis 31

Sinabi ni Laban, “Ang nakatumpok na mga batong ito ang magpapatunay sa kasunduan nating dalawa.” Ito ang dahilan kung bakit pinangalanan itong tinumpok sa Galeed.

Genesis 31:48 (UKJV) And Laban said, This heap is a witness between me and you this day. Therefore was the name of it called Galeed;

46Pagkatapos, inutusan niya ang mga kamag-anak niya na magtumpok ng mga bato. At kumain sila roon sa tinumpok na mga bato.

47Pinangalanan ni Laban ang tinumpok na mga bato na Jegar-sahaduta. Ngunit pinangalanan ito ni Jacob na Galeed.

48Sinabi ni Laban, “Ang nakatumpok na mga batong ito ang magpapatunay sa kasunduan nating dalawa.” Ito ang dahilan kung bakit pinangalanan itong tinumpok sa Galeed.

49Tinawag din iyon na Mizpa, dahil sinabi pa ni Laban, “Nawaʼy ingatan tayo ng Panginoon sa ating paghihiwalay.

50At kung hindi mabuti ang pakikitungo mo sa mga anak ko, o kayaʼy mag-aasawa ka pa ng iba, alalahanin mo na kahit hindi ko man ito nalalaman, ang Diyos ang magpapatunay ng kasunduan natin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.