47Pinangalanan ni Laban ang tinumpok na mga bato na Jegar-sahaduta. Ngunit pinangalanan ito ni Jacob na Galeed.
48Sinabi ni Laban, “Ang nakatumpok na mga batong ito ang magpapatunay sa kasunduan nating dalawa.” Ito ang dahilan kung bakit pinangalanan itong tinumpok sa Galeed.
49Tinawag din iyon na Mizpa, dahil sinabi pa ni Laban, “Nawaʼy ingatan tayo ng Panginoon sa ating paghihiwalay.
50At kung hindi mabuti ang pakikitungo mo sa mga anak ko, o kayaʼy mag-aasawa ka pa ng iba, alalahanin mo na kahit hindi ko man ito nalalaman, ang Diyos ang magpapatunay ng kasunduan natin.”
51Muli pang sinabi ni Laban kay Jacob, “Narito ang tinumpok na mga bato at ang bato na alaalang magpapatunay ng kasunduan natin.