16Kaya bumalik si Esau sa Seir nang mismong araw na iyon.
17Ngunit sina Jacob ay pumunta sa Sucot. Pagdating nila roon, gumawa si Jacob ng tirahan at ginawaan din niya ng silungan ang mga hayop niya. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Sucot.
18Hindi nagtagal, nakarating din sila sa Canaan mula sa Padan-aram na walang masamang nangyari sa kanila. Nakarating sila sa lungsod na pagmamay-ari ni Shekem. Nagpatayo sila ng mga tolda nila malapit sa lungsod.
19Ang lupaing pinagtayuan nila ng mga tolda ay binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor sa halagang isang daang pirasong pilak. Si Hamor ay ama ni Shekem.
20Doon ay nagpatayo si Jacob ng altar na pinangalanan niyang El-Elohe-Israel.