1Isang araw, umalis si Dina na anak na dalaga nina Jacob at Lea. Binisita niya ang mga dalagang taga-Canaan.
2Nakita siya ni Shekem na anak ni Hamor na Heveo, na pinuno sa lugar na iyon. Sinunggaban niya si Dina at pinagsamantalahan.
3Ngunit nahulog ang loob niya kay Dina at nagustuhan niya ito, kaya sinuyo niya ang dalaga.