Genesis 34

Nakita siya ni Shekem na anak ni Hamor na Heveo, na pinuno sa lugar na iyon. Sinunggaban niya si Dina at pinagsamantalahan.

Genesis 34:2 (UKJV) And when Shechem the son of Hamor the Hivite, prince of the country, saw her, he took her, and lay with her, and defiled her.

1Isang araw, umalis si Dina na anak na dalaga nina Jacob at Lea. Binisita niya ang mga dalagang taga-Canaan.

2Nakita siya ni Shekem na anak ni Hamor na Heveo, na pinuno sa lugar na iyon. Sinunggaban niya si Dina at pinagsamantalahan.

3Ngunit nahulog ang loob niya kay Dina at nagustuhan niya ito, kaya sinuyo niya ang dalaga.

4Sinabi ni Shekem sa ama niyang si Hamor, “Ama, gawan nʼyo po ng paraan upang mapangasawa ko ang dalagang ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.