2Nakita siya ni Shekem na anak ni Hamor na Heveo, na pinuno sa lugar na iyon. Sinunggaban niya si Dina at pinagsamantalahan.
3Ngunit nahulog ang loob niya kay Dina at nagustuhan niya ito, kaya sinuyo niya ang dalaga.
4Sinabi ni Shekem sa ama niyang si Hamor, “Ama, gawan nʼyo po ng paraan upang mapangasawa ko ang dalagang ito.”
5Nang malaman ni Jacob na dinungisan ni Shekem ang pagkababae ni Dina, hindi muna siya kumibo dahil naroon pa sa bukid ang mga anak niyang lalaki na nagbabantay ng kanyang mga hayop.
6Pumunta ang ama ni Shekem na si Hamor kay Jacob upang makipag-usap.