4Sinabi ni Shekem sa ama niyang si Hamor, “Ama, gawan nʼyo po ng paraan upang mapangasawa ko ang dalagang ito.”
5Nang malaman ni Jacob na dinungisan ni Shekem ang pagkababae ni Dina, hindi muna siya kumibo dahil naroon pa sa bukid ang mga anak niyang lalaki na nagbabantay ng kanyang mga hayop.
6Pumunta ang ama ni Shekem na si Hamor kay Jacob upang makipag-usap.
7Nang mabalitaan ng mga anak ni Jacob ang nangyari, umuwi sila agad mula sa bukid. Sumama ang loob nila at labis na nagalit kay Shekem dahil sa ginawa niyang hindi nararapat, na nagdala ng kahihiyan sa mga Israelita.
8Ngunit sinabi ni Hamor sa kanila, “Nabighani ang anak kong si Shekem sa inyong dalagang anak, kaya nakikiusap akong payagan ninyong mapangasawa siya ng anak ko.