Genesis 34

Nang mabalitaan ng mga anak ni Jacob ang nangyari, umuwi sila agad mula sa bukid. Sumama ang loob nila at labis na nagalit kay Shekem dahil sa ginawa niyang hindi nararapat, na nagdala ng kahihiyan sa mga Israelita.

Genesis 34:7 (UKJV) And the sons of Jacob came out of the field when they heard it: and the men were grieved, and they were very angry, because he had wrought folly in Israel in lying with Jacob's daughter: which thing ought not to be done.

5Nang malaman ni Jacob na dinungisan ni Shekem ang pagkababae ni Dina, hindi muna siya kumibo dahil naroon pa sa bukid ang mga anak niyang lalaki na nagbabantay ng kanyang mga hayop.

6Pumunta ang ama ni Shekem na si Hamor kay Jacob upang makipag-usap.

7Nang mabalitaan ng mga anak ni Jacob ang nangyari, umuwi sila agad mula sa bukid. Sumama ang loob nila at labis na nagalit kay Shekem dahil sa ginawa niyang hindi nararapat, na nagdala ng kahihiyan sa mga Israelita.

8Ngunit sinabi ni Hamor sa kanila, “Nabighani ang anak kong si Shekem sa inyong dalagang anak, kaya nakikiusap akong payagan ninyong mapangasawa siya ng anak ko.

9At maganda rin na hayaan nating mapangasawa ng mga dalaga ninyo ang mga binata namin at mapangasawa rin ng mga dalaga namin ang mga binata ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.