6Pumunta ang ama ni Shekem na si Hamor kay Jacob upang makipag-usap.
7Nang mabalitaan ng mga anak ni Jacob ang nangyari, umuwi sila agad mula sa bukid. Sumama ang loob nila at labis na nagalit kay Shekem dahil sa ginawa niyang hindi nararapat, na nagdala ng kahihiyan sa mga Israelita.
8Ngunit sinabi ni Hamor sa kanila, “Nabighani ang anak kong si Shekem sa inyong dalagang anak, kaya nakikiusap akong payagan ninyong mapangasawa siya ng anak ko.
9At maganda rin na hayaan nating mapangasawa ng mga dalaga ninyo ang mga binata namin at mapangasawa rin ng mga dalaga namin ang mga binata ninyo.
10Maaari kayong manirahang kasama namin kahit saang lugar ninyo gustuhin. Maaari rin kayong magnegosyo kahit saan at magmay-ari ng lupain dito.”