Genesis 34

Maaari kayong manirahang kasama namin kahit saang lugar ninyo gustuhin. Maaari rin kayong magnegosyo kahit saan at magmay-ari ng lupain dito.”

Genesis 34:10 (UKJV) And all of you shall dwell with us: and the land shall be before you; dwell and trade all of you therein, and get you possessions therein.

8Ngunit sinabi ni Hamor sa kanila, “Nabighani ang anak kong si Shekem sa inyong dalagang anak, kaya nakikiusap akong payagan ninyong mapangasawa siya ng anak ko.

9At maganda rin na hayaan nating mapangasawa ng mga dalaga ninyo ang mga binata namin at mapangasawa rin ng mga dalaga namin ang mga binata ninyo.

10Maaari kayong manirahang kasama namin kahit saang lugar ninyo gustuhin. Maaari rin kayong magnegosyo kahit saan at magmay-ari ng lupain dito.”

11Nakiusap din si Shekem sa ama at sa mga kapatid ni Dina, “Kung maaari po ay mapangasawa ko si Dina na kapatid ninyo. Ibibigay ko po ang kahit anong hilingin ninyo.

12Kayo po ang bahala kung magkano ang hihilingin ninyo at kung ano ang ireregalo ko upang mapangasawa ko ang kapatid ninyo. Babayaran ko po kayo kahit magkano ang hilingin ninyo bastaʼt mapangasawa ko lang po si Dina.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.