Genesis 34

Papayag lang kami kung ang lahat ng lalaki na taga-rito ay magpapatuli rin kagaya namin.

Genesis 34:15 (UKJV) But in this will we consent unto you: If all of you will be as we be, that every male of you be circumcised;

13Ngunit dahil sa dinungisan ni Shekem ang pagkababae ni Dina, niloko ng mga anak ni Jacob si Shekem at ang ama nitong si Hamor.

14Sinabi nila, “Hindi kami papayag na makapag-asawa si Dina ng isang taong hindi tuli, dahil nakakahiya iyan para sa amin.

15Papayag lang kami kung ang lahat ng lalaki na taga-rito ay magpapatuli rin kagaya namin.

16Kung magpapatuli kayo, maaari ninyong mapangasawa ang mga dalaga namin at maaari rin kaming makapag-asawa sa mga dalaga ninyo. At maninirahan kami kasama ninyo upang maging isang bayan na lang tayo.

17Ngunit kung hindi kayo papayag, kukunin namin si Dina at aalis kami rito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.