Genesis 34

Kung magpapatuli kayo, maaari ninyong mapangasawa ang mga dalaga namin at maaari rin kaming makapag-asawa sa mga dalaga ninyo. At maninirahan kami kasama ninyo upang maging isang bayan na lang tayo.

Genesis 34:16 (UKJV) Then will we give our daughters unto you, and we will take your daughters to us, and we will dwell with you, and we will become one people.

14Sinabi nila, “Hindi kami papayag na makapag-asawa si Dina ng isang taong hindi tuli, dahil nakakahiya iyan para sa amin.

15Papayag lang kami kung ang lahat ng lalaki na taga-rito ay magpapatuli rin kagaya namin.

16Kung magpapatuli kayo, maaari ninyong mapangasawa ang mga dalaga namin at maaari rin kaming makapag-asawa sa mga dalaga ninyo. At maninirahan kami kasama ninyo upang maging isang bayan na lang tayo.

17Ngunit kung hindi kayo papayag, kukunin namin si Dina at aalis kami rito.”

18Nakita nina Hamor at Shekem na mukhang maganda rin ang mungkahing ibinigay ng mga anak ni Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.