17Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.”
18Isinilang ang sanggol ngunit nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Benoni. Ngunit pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.
19Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daan na papunta sa Efrata (na tinatawag ngayong Bethlehem).
20Nilagyan ni Jacob ng bato ang libingan ni Raquel bilang palatandaan, at hanggang ngayon naroon pa rin ang palatandaang ito.
21Nagpatuloy sina Jacob sa kanilang paglalakbay. Pagdating nila sa kabilang panig ng Migdal-eder, nagtayo sila roon ng kanilang mga tolda.