Genesis 35

Nilagyan ni Jacob ng bato ang libingan ni Raquel bilang palatandaan, at hanggang ngayon naroon pa rin ang palatandaang ito.

Genesis 35:20 (UKJV) And Jacob set a pillar upon her grave: that is the pillar of Rachel's grave unto this day.

18Isinilang ang sanggol ngunit nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Benoni. Ngunit pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.

19Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daan na papunta sa Efrata (na tinatawag ngayong Bethlehem).

20Nilagyan ni Jacob ng bato ang libingan ni Raquel bilang palatandaan, at hanggang ngayon naroon pa rin ang palatandaang ito.

21Nagpatuloy sina Jacob sa kanilang paglalakbay. Pagdating nila sa kabilang panig ng Migdal-eder, nagtayo sila roon ng kanilang mga tolda.

22Habang nakatira roon sila Jacob, sumiping si Ruben kay Bilha na isa sa mga asawang alipin ng kanyang ama. Nang malaman iyon ni Jacob, galit na galit siya. May labindalawang anak na lalaki si Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.