Genesis 35

Ang mga anak niya kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.

Genesis 35:24 (UKJV) The sons of Rachel; Joseph, and Benjamin:

22Habang nakatira roon sila Jacob, sumiping si Ruben kay Bilha na isa sa mga asawang alipin ng kanyang ama. Nang malaman iyon ni Jacob, galit na galit siya. May labindalawang anak na lalaki si Jacob.

23Ang mga anak niya kay Lea ay sina Ruben na panganay, sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zebulun.

24Ang mga anak niya kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.

25Ang mga anak niya kay Bilha na alipin ni Raquel ay sina Dan at Neftali.

26Ang mga anak niya kay Zilpa na alipin ni Lea ay sina Gad at Asher. Silang lahat ang anak na lalaki ni Jacob na isinilang sa Padan-aram.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.