23Ang mga anak niya kay Lea ay sina Ruben na panganay, sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zebulun.
24Ang mga anak niya kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.
25Ang mga anak niya kay Bilha na alipin ni Raquel ay sina Dan at Neftali.
26Ang mga anak niya kay Zilpa na alipin ni Lea ay sina Gad at Asher. Silang lahat ang anak na lalaki ni Jacob na isinilang sa Padan-aram.
27Pumunta si Jacob sa ama niyang si Isaac sa Mamre, malapit sa Kiriat-arba (na tinatawag ding Hebron). Ito ang lugar na tinirhan ni Isaac na siya ring tinirhan noon ni Abraham.