Genesis 35

Namatay si Debora na tagapag-alaga ni Rebeca. Kaya inilibing siya sa ilalim ng punongkahoy na terebinto na nasa paanan ng Betel. Tinawag iyon na punongkahoy na Alon-bacut.

Genesis 35:8 (UKJV) But Deborah Rebekah's nurse died, and she was buried beneath Bethel under an oak: and the name of it was called Allonbachuth.

6Nakarating sila Jacob at ang mga kasama niya sa Luz (na tinatawag ding Betel) doon sa Canaan.

7Gumawa siya roon ng altar. Tinawag niya ang lugar na iyon na El-betel dahil nagpakita sa kanya roon ang Diyos nang tumakas siya sa kanyang kapatid.

8Namatay si Debora na tagapag-alaga ni Rebeca. Kaya inilibing siya sa ilalim ng punongkahoy na terebinto na nasa paanan ng Betel. Tinawag iyon na punongkahoy na Alon-bacut.

9Nang umuwi si Jacob mula sa Padan-aram, muling nagpakita ang Diyos sa kanya at binasbasan siya.

10Sinabi ng Diyos sa kanya, “Jacob ang pangalan mo, ngunit mula ngayon hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel na.” Kaya naging Israel ang pangalan ni Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.