Genesis 36

Sapagkat hindi na sila maaaring magsama sa isang lupain dahil sa dami ng mga ari-arian nila; at ang lupain na kanilang tinitirhan ay hindi sapat sa kanila dahil sa dami ng mga hayop nila.

Genesis 36:7 (UKJV) For their riches were more than that they might dwell together; and the land wherein they were strangers could not bear them because of their cattle.

5At ang mga anak niya kay Oholibama ay sina Jeus, Jalam at Kora. Sila ang mga anak ni Esau na isinilang sa Canaan.

6Dinala ni Esau ang kanyang mga asawaʼt anak, ang lahat ng sakop ng kanyang sambahayan, pati ang mga ari-arian at mga hayop niya na naipon niya sa Canaan. At lumipat siya sa isang lupain na malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.

7Sapagkat hindi na sila maaaring magsama sa isang lupain dahil sa dami ng mga ari-arian nila; at ang lupain na kanilang tinitirhan ay hindi sapat sa kanila dahil sa dami ng mga hayop nila.

8Kaya tumira si Esau (na tinatawag ding Edom) doon sa kaburulan ng Seir.

9Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau na ama ng mga Edomita na nakatira sa kaburulan ng Seir.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.