Genesis 36

Kaya tumira si Esau (na tinatawag ding Edom) doon sa kaburulan ng Seir.

Genesis 36:8 (UKJV) Thus dwelt Esau in mount Seir: Esau is Edom.

6Dinala ni Esau ang kanyang mga asawaʼt anak, ang lahat ng sakop ng kanyang sambahayan, pati ang mga ari-arian at mga hayop niya na naipon niya sa Canaan. At lumipat siya sa isang lupain na malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.

7Sapagkat hindi na sila maaaring magsama sa isang lupain dahil sa dami ng mga ari-arian nila; at ang lupain na kanilang tinitirhan ay hindi sapat sa kanila dahil sa dami ng mga hayop nila.

8Kaya tumira si Esau (na tinatawag ding Edom) doon sa kaburulan ng Seir.

9Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau na ama ng mga Edomita na nakatira sa kaburulan ng Seir.

10Ang mga lalaking anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz at si Reuel, kay Basemat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.