14Kaya sinabi ni Jacob kay Jose, “Pumunta ka roon at tingnan mo kung maayos ang kalagayan ng mga kapatid mo at ng mga hayop. Bumalik ka agad at magbalita sa akin.” At humayo nga si Jose mula sa Lambak ng Hebron. Nang makarating si Jose sa Shekem,
15may lalaking nakakita sa kanyang pagala-gala sa bukid na nagtanong kung ano ang hinahanap niya.
16Sumagot siya, “Hinahanap ko po ang mga kapatid ko. Alam nʼyo po ba kung saan sila nagpapastol?”
17Sinabi ng lalaki, “Wala na sila rito. Narinig kong pupunta raw sila sa Dotan.” Kaya sinundan sila roon ni Jose at nakita niya sila malapit sa Dotan.
18Ngunit malayo pa lamang si Jose ay nakita na siya ng kanyang mga kapatid. At bago pa siya makarating, binalak na nila na patayin siya.