23Kaya pagdating ni Jose, hinubad nila ang mahaba at magandang damit nito,
24at inihulog sa balon na walang tubig.
25Habang kumakain sila, may natanaw silang mga mangangalakal na Ismaelitang nanggaling sa Gilead. Ang mga kamelyo nila ay may kargang mga sangkap, gamot at pabangong dadalhin sa Ehipto.
26Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Ano ba ang makukuha natin kung papatayin natin ang kapatid natin at ililihim ang kamatayan niya?
27Ang mabuti pa siguro ipagbili natin siya sa mga Ismaelitang iyan. Huwag natin siyang patayin dahil kapatid natin siya.” Pumayag ang mga kapatid ni Juda sa sinabi niya.