Genesis 38

Nang makita ni Juda si Tamar, inakala niyang isa siyang babaeng bayaran sapagkat nagtakip siya ng mukha.

Genesis 38:15 (UKJV) When Judah saw her, he thought her to be an harlot; because she had covered her face.

13May nagsabi kay Tamar na ang biyenan niya ay pupunta sa Timna upang pagupitan doon ang mga tupa nito.

14Nang marinig iyon ni Tamar, pinalitan niya ang kanyang damit na pambalo, at tinakpan ng belo ang kanyang mukha. Naupo siya sa may pintuan ng bayan ng Enaim, sa tabi ng daan na papunta sa Timna. Sapagkat kahit binata na si Shela ay hindi pa rin ibinibigay sa kanya upang maging asawa niya ito.

15Nang makita ni Juda si Tamar, inakala niyang isa siyang babaeng bayaran sapagkat nagtakip siya ng mukha.

16Dahil hindi niya namukhaan ang kanyang manugang, lumapit siya sa kanya sa tabi ng daan at sinabi, “Halika, magsiping tayo.” Sumagot si Tamar, “Ano ang ibabayad mo sa akin upang sumiping ako sa iyo?”

17Sinabi ni Juda, “Bibigyan kita ng batang kambing mula sa aking mga hayop.” Sumagot si Tamar, “Papayag ako kung may ibibigay ka sa akin upang makatiyak ako na babayaran mo ako hanggang maipadala mo na ang kambing.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.