Genesis 38

Sinabi ni Juda, “Bibigyan kita ng batang kambing mula sa aking mga hayop.” Sumagot si Tamar, “Papayag ako kung may ibibigay ka sa akin upang makatiyak ako na babayaran mo ako hanggang maipadala mo na ang kambing.”

Genesis 38:17 (UKJV) And he said, I will send you a kid from the flock. And she said, Will you give me a pledge, till you send it?

15Nang makita ni Juda si Tamar, inakala niyang isa siyang babaeng bayaran sapagkat nagtakip siya ng mukha.

16Dahil hindi niya namukhaan ang kanyang manugang, lumapit siya sa kanya sa tabi ng daan at sinabi, “Halika, magsiping tayo.” Sumagot si Tamar, “Ano ang ibabayad mo sa akin upang sumiping ako sa iyo?”

17Sinabi ni Juda, “Bibigyan kita ng batang kambing mula sa aking mga hayop.” Sumagot si Tamar, “Papayag ako kung may ibibigay ka sa akin upang makatiyak ako na babayaran mo ako hanggang maipadala mo na ang kambing.”

18Nagtanong si Juda, “Anong garantiya ang gusto mo?” Sumagot si Tamar, “Ibigay mo sa akin ang iyong pantatak at ang tali nito, pati ang tungkod na hawak mo.” Kaya ibinigay ni Juda ang mga ito at nagsiping sila, at nabuntis si Tamar.

19Nang umuwi si Tamar, tinanggal niya ang takip ng kanyang mukha at muling isinuot ang kanyang damit na pambalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.