Genesis 38

Nagtanong si Juda, “Anong garantiya ang gusto mo?” Sumagot si Tamar, “Ibigay mo sa akin ang iyong pantatak at ang tali nito, pati ang tungkod na hawak mo.” Kaya ibinigay ni Juda ang mga ito at nagsiping sila, at nabuntis si Tamar.

Genesis 38:18 (UKJV) And he said, What pledge shall I give you? And she said, Your signet, and your bracelets, and your staff that is in yours hand. And he gave it her, and came in unto her, and she conceived by him.

16Dahil hindi niya namukhaan ang kanyang manugang, lumapit siya sa kanya sa tabi ng daan at sinabi, “Halika, magsiping tayo.” Sumagot si Tamar, “Ano ang ibabayad mo sa akin upang sumiping ako sa iyo?”

17Sinabi ni Juda, “Bibigyan kita ng batang kambing mula sa aking mga hayop.” Sumagot si Tamar, “Papayag ako kung may ibibigay ka sa akin upang makatiyak ako na babayaran mo ako hanggang maipadala mo na ang kambing.”

18Nagtanong si Juda, “Anong garantiya ang gusto mo?” Sumagot si Tamar, “Ibigay mo sa akin ang iyong pantatak at ang tali nito, pati ang tungkod na hawak mo.” Kaya ibinigay ni Juda ang mga ito at nagsiping sila, at nabuntis si Tamar.

19Nang umuwi si Tamar, tinanggal niya ang takip ng kanyang mukha at muling isinuot ang kanyang damit na pambalo.

20Hindi nagtagal, ipinahatid ni Juda ang batang kambing sa kaibigan niyang si Hira na taga-Adulam upang kunin ang mga bagay na ibinigay niya sa babae bilang garantiya, ngunit hindi niya ito nakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.