18Nagtanong si Juda, “Anong garantiya ang gusto mo?” Sumagot si Tamar, “Ibigay mo sa akin ang iyong pantatak at ang tali nito, pati ang tungkod na hawak mo.” Kaya ibinigay ni Juda ang mga ito at nagsiping sila, at nabuntis si Tamar.
19Nang umuwi si Tamar, tinanggal niya ang takip ng kanyang mukha at muling isinuot ang kanyang damit na pambalo.
20Hindi nagtagal, ipinahatid ni Juda ang batang kambing sa kaibigan niyang si Hira na taga-Adulam upang kunin ang mga bagay na ibinigay niya sa babae bilang garantiya, ngunit hindi niya ito nakita.
21Nagtanong si Hira sa mga lalaking taga-Enaim kung nasaan na ang babaeng bayaran, na nakaupo sa tabi ng daan. Ngunit sumagot ang mga tao, “Wala naman kaming nakitang ganoong babae rito.”
22Kaya bumalik si Hira kay Juda at sinabi, “Hindi ko siya nakita. At sinabi ng mga tao na wala naman daw babaeng bayaran doon.”