Genesis 40

Kaya ipinabilanggo niya ang mga ito sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo kung saan naroon din si Jose nakabilanggo.

Genesis 40:3 (UKJV) And he put them in ward in the house of the captain of the guard, into the prison, the place where Joseph was bound.

1Pagkatapos ng mga nangyaring ito, nagkasala sa hari ng Ehipto ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at pinuno ng mga panadero.

2Lubhang nagalit ang hari sa dalawa niyang opisyal na ito.

3Kaya ipinabilanggo niya ang mga ito sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo kung saan naroon din si Jose nakabilanggo.

4Si Jose ang naatasang katiwala ng kapitan ng mga guwardiya na naglingkod sa kanila. Nang matagal na silang nagkasama sa bilangguan,

5parehong nanaginip ang tagasilbi ng alak at ang panadero ng hari ng Ehipto. Ang bawat panaginip ay may kanya-kanyang kahulugan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.