16Sumagot si Jose, “Hindi po ako, Mahal na Hari, kundi ang Diyos ang siyang magbibigay ng kahulugan ng mga panaginip ninyo para sa ikabubuti ninyo.”
17Sinabi ng Faraon ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip ako na nakatayo ako sa pampang ng Ilog Nilo.
18Biglang may umahon na pitong magaganda at matatabang baka na kumakain ng damo.
19Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka. Wala pa akong nakitang baka sa buong Ehipto na ganoon kapangit.
20Kinain ng mga pangit at payat na baka ang pitong matatabang baka na unang nagsiahon.